Kumpanya ng langis kinasuhan ng smuggling sa DOJ

SINAMPAHAN ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ)  ng P5 bilyong smuggling case ang isang independent oil company dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Dennis Ang Uy, presidente at chief executive officer ng Phoenix Oil Company; Jorlan Capin Cabanes, isang customs broker na nakabase sa Davao; at iba pang John at Jane Does.

Sa reklamo ng BOC sinabi nito na lumabag ang Phoenix Petroleum Philippines sa Tariff and Customs Code dahil sa hindi pagbabayad ng excise at value-added taxes at hindi paghahain ng import documents gaya ng invoices at bills of lading.

Ayon sa BOC, isang imbestigasyon ang kanilang isinagawa bago ihain ang kaso at tinitiyak nito na may matibay na ebidensya ang ahensya laban sa nasabing oil company.

Sa imbestigasyon ng “Run-After-The Smugglers” (RATS) ng BOC, lumilitaw na sa pagitan ng June 2010 at April 2011 ay nagkaroon ng ilang importasyon ang Phoenix na aabot sa halagang P5.144 billion.

Ipinaliwanag ni Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez na sa nasabing halaga ay P459 million dito ay imported petroleum products na binili ng kumpanya sa pagitan ng June at December 2010 na pawang dumaan sa customs nang walang anumang supporting import entry declarations.

Umaabot naman umano sa P4.7 bilyong halaga na sakop ng 31 import entry declarations ang nailabas sa Davao Port at sub-port sa Bauan, Batangas sa pagitan ng June 2010 at April 2011 kahit pa man hindi nagsumite ang Phoenix ng kaukulang importation documents.

“Due to the fraudulent activities of Phoenix, the BOC has sufficient justification to legally claim as restitution the total value of the fraudulent shipments which sums up to P5.144 billion,” paliwanag ni Chavez, kung saan sa ilalim umano ng batas ay kung may illegal na transasyon ay maaaring kunin ang nasabing mga inimport pabor sa pamahalaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply