Kuta ng mga hinihinalang Jemaah Islamiyah tinutukan

MAHIGPIT na tinututukan ng National Security Council ang galaw ng miyembro o kawing ng teroristang Jemaah Islamiyah sa Mindanao kasunod ng posibleng retaliatory attack ng mga kaalyado ng napatay na si Osama Bin Laden, leader ng Al-Queda.

Ayon kay National Security Adviser Cesar Garcia, mahigpit nilang binabantayan ang bawat kilos ng Rajah Solaiman Group. Ang naturang grupo kasi ang nakitaan ng direktang pakikipag-ugnayan sa Al Qaeda.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon pang 20 hanggang 30 miyembro ng JI sa Mindanao na nagkakanlong o kinukupkop ng bandidong Abu Sayyaf.

Magugunitang may ilang taon na rin lumulutang ang isyu hinggil sa pagtatago ng ilang miyembro ng international terrorist group sa bahagi ng Mindnao bagama’t nanatiling klasipikado lamang sa hanay ng military ang tunay na bilang ng mga ito.

Simula pa noong Miyerkules, Mayo 4, ay nagpairal na ng red alert status ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa area ng Eastern Mindanao.

Nabatid kay Eastmincom commander Lt. Gen. Arthur Tabaquero, kasalukuyang nasa proactive stance ang militar sa mga area na tinukoy ni Garcia na posibleng pagmulan o paglunsaran ng mga sympathy attack ng mga panatiko ni Osama. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply