Kuwentong NFA rice

ALAM ba ninyong pupuwedeng pakyawin ang National Food Authority rice na ibinebenta mismo ng NFA sa mga mahihirap na komunidad?

At alam ba ninyong nilalangaw ang NFA rice kahit mas mura ito kaysa mga komersiyal na bigas?

oOo

Heto ang mga aktuwal nating nalaman.

Paliwanag ng ilang taga-NFA, dapat kilo-kilo lang ang pupuwede nilang ibenta para magkasya umano ang dala-dala nilang bigas.

Pero nang sinubukan ng isang buyer ang bumili ng bulto-bulto, pupuwede rin pala.

Ang kondisyon lang, eh, magdala ang buyer ng sarili niyang sako para maisalin ang bigas at maisurender ng mga taong-NFA ang mga sako na gamit nila.

Kaya nga, marami ang naglipanang bigas na itinuturing na komersiyal pero ang totoo, NFA rice ang mga ito.

Pagdisplay sa tindahan, may tatak na ang mga ito na well milled, laon at kung ano-ano pa.

oOo

Kahit mas mura ang NFA rice kaysa mga komersiyal, marami ang pagkakataong napakatumal ito kahit pa sa mga mahihirap na lugar.

Sa nakikita natin, mas pipiliin pa ng isang kahig-isang tuka ang bumili ng mami kaysa ng bigas kahit walang kasusta-sustansiya ang una.

Kasi sa mami, nakatitipid na si Juan, may lasa pa ito at ang isang P7 na mami ay nagkakasya sa isang pamilya kung pakukuluan ito sa isang baldeng tubig.

Ang isang kilong NFA rice ay kailangan pang hanapan ng ulam para magkalasa at kung lulugawin mo ito, kailangan mo pang bumili ng luya, asin at puwet o bituka o adidas ng manok para magkalasa, bukod sa nakauubos ito ng napakamahal namang LPG.

Pero ang kawalan o kakulangan talaga ng pambili ang isang malaking problema kung bakit matumal ang NFA rice lalo na sa mga mahihirap na lugar.

Manang Dinky Soliman, alam mo ba ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply