Laban-bawi sa mga magsasaka, mangingisda

HINDI pa natutuyo ang laway ni PNoy sa pagsasabing dapat mabigyan din ang mga magsasaka at

mangingisda ng tulong laban sa oil price hike, bigla na lamang sumirko ito pabaligtad.

Mahirap umanong kilalanin ang mga biktimang magsasaka at mangingisda at hindi katulad ng

mga ito ang mga drayber ng mga dyipni at traysikel na may hawak-hawak ng prangkisa.

Mahirap ba talaga silang kilalanin, Mr. President?

Sino ang nagsabi sa inyong mahirap?

O baka naman napag-isip-isip lang ng inyong mga tsuwariwap na milyones pala ang mga

mag-sasaka at mangingisda at mauubusan kayo ng pondo para sa public-private partnership na

tiyak nilang pagkakakitaan ng limpak-limpak?

Tingnan ninyo, Suki.

May anim na milyong magsasaka habang may tatlong milyong mangingisda. Sino-sino sa mga ito

ang gumagamit ng makina para sa kanilang hanapbuhay?

Mahirap bang kilalanin talaga ang mga ito?

oOo

May pambawi naman si PNoy. Magbibigay na lamang umano sila ng subsidyo gaya ng bigas at iba

pa!

Talaga lang, huh? Baka naman bigla na namang pagbabawiin ang pangakong ito, Suki.

At kung maibibigay man, katumbas ba ang halaga ng mahigit P1,000 para sa mga dyipni drayber o P150 para sa mga traysikel drayber?

Tsk! Tsk! Tsk!

Consuelo de bobo na nga lang, eh, binawi pa.

Pero kung totohanin nina PNoy ang pangako, sinong hirap na hirap na magsasaka at mangingisda ang tatanggi sa pagtanggap?

Kaya lang, nakapagtatakang nag-aalok mismo si PNoy ng P200 milyong pork barrel sa bawat senador pero P1,000 lang ang para sa dyipni drayber at P150 sa traysikel drayber…at yung

para sa mga magsasaka at mangingisda ay pinagbabawi naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply