Labang Pacquiao-Mosley, libreng nood sa Navotas

MAGBIBIGAY ng libreng pay-per-view ang lokal na pamahalaan ng Navotas City sa mga residente na gustong makapanood ng laban ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Sugar Shane Mosley bukas ng umaga.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, maglalagay ng malaking screen sa loob ng Navotas Sports Complex upang makapanood ng maayos ang mga residenteng mabibigyan ng libreng ticket.

Inatasan ni Tiangco ang General Services Office (GSO) sa pamamahagi ng libreng ticket sa pamamagitan ng “first come, first served basis” nang sa gayon ay hindi magkaroon ng gulo sa pamamahagi ng passes.

Magbibigay din ng libreng ticket ang lokal na pamahalaan sa mga barangay hall nang sa gayon ay ito naman ang mamahagi ng passes sa kanilang mga nasasakupan.

Maglalagay naman ang lokal na pamahalaan ng malaking screen sa labas ng naturang sports complex upang makapanood din ang mga hindi nakakuha ng libreng tiket.

Nakipag-ugnayan na rin ang alkalde sa lokal na pulisya upang matiyak na walang kaguluhang mangyayari sa loob at labas ng sports complex habang pinanonood ang laban nina Pacquiao at Mosley.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply