Labi ng Pinay na namatay sa buhawi nakuha

NAKUHA na ang labi ng isa pang Pinay na namatay sa pananalanta ng buhawi sa Joplin Missouri.

Na-recover ang labi ni Estrelita Moore sa ikalawang palapag ng gusaling katabi ng kanyang bahay.

Pinaniniwalaang inilipad ng malakas na buhawi ang katawan ni Moore, 64, isang breast cancer survivor, tubong Pampanga na katulad din ni Grace Aquino, ang unang Pinay na nakumpirmang namatay sa Joplin Missouri.

Napag-alaman na hindi naman nakalabas ng kanyang tirahan si Moore sanhi ng napakabilis na pananalanta ng tornado.

Bukod sa dalawang Pinay, 120 katao pa ang iniulat na namatay sa nangyaring kalamidad habang patuloy pa ring pinaghahanap ng mga rescuer ang iba pang posibleng naging biktima.

Hanggang kahapon ay nakataas pa rin ang isang tornado alert matapos mamataan ang paparating pang buhawi sa naturang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply