Labor Day message ni PNoy walang laman –PM

DISMAYADO ang mga manggagawa sa mensahe ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa kanyang unang Labor Day sa puwesto dahil wala itong binanggit na proteksyon sa trabaho sa pamamagitan ng pagsalungat sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay Renato Magtubo, national chairman ng Partido ng Manggagawa (PM), walang binanggit ang Pangulo ukol sa apela ng mga manggagawa na pababain ang presyo ng langis sa kanilang pagdiriwang sa Chino Roces (dating Mendiola) Bridge.

Mas pabor umano ang administrasyon sa pagdaragdag ng produksyon at salapi kaysa pantay na pagkakahati ng mga alokasyon sa pondo ng pamahalaan, dagdag pa nito.

Ang PM ay lumalaban kasama ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) upang mabaliktad ang naunang desisyon ng Philippine Airlines sa pagsibak sa may 3,000 na empleyadong kontraktuwal.

Inakusahan din ng grupo ang Pangulo sa pagkiling sa mga kapitalista at negosyante kaysa sa manggagawa na ang tanging hiling ay pagtataas ng sahod na patuloy tinututulan ng pamahalaan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply