Lacson, binigyan ng 2 komite

DALAWANG mahahalagang komite ang inaprubahan ng Senado upang pangasiwaan ni Sen. Panfilo Lacson partikular, ang Senate committee on national defense and national security at committee on accounts na humahawak sa usaping pananalapi ng Kapulungan.

Sa pagbubukas ng sesyon ng Senado nitong Lunes, Mayo 9, dakong  alas-diyes ng umaga, walang tumutol na pangasiwaan ni Lacson ang naturang komite matapos ihain ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang mosyon.

“There will be no objection, the motion is approved,” ayon naman kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada nang hilingin ni Sotto na aprubahan ang mosyon na ibigay ang naturang komite kay Lacson.

Si Estrada ang tumatayong presiding officer na pumapalit kay Senate President Juan Ponce Enrile pagkabukas ng bawat sesyon.

Naunang pinanghahawakan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang committee on national defense and security at hawak naman ni Enrile ang committee on accounts.

Kamakailan lamang, lumutang si Lacson matapos ang isang taong pagtatago matapos tuluyan nang ibasura ng Court of Appeals ang double murder case na isinampa sa kanya matapos na madaeit sa pagpatay kay dating publicist Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.

Samantala, inilagay na sa archive ang House resolution na ipinaaalam sa Senado na kinasuhan ng anim na Articles of Impeachment si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Isinagawa ng Mataas na Kapulungan ang naturang hakbang magtapos magbitiw si Gutierrez noong Abril 29, sampung araw bago magbukas ang sesyon ng Kongreso ngayong araw.

Pinagbatayan din ng Senado ang pagbabasura sa Articles of Impeachment sa liham ng Mababang Kapulungan na nagsasabing “moot and academic” na ang impeachment laban kay Gutierrez matapos magbitiw ang opisyal at opisyal na tinanggap ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply