Lacson makalulusot sa ethics committee– Enrile

TAHASANG sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na malulusutan ni Senador Panfilo Lacson ang kasong ihahain laban sa kanya sa Senate committee on ethics.

Ito ang naging pahayag ni Enrile makaraang ihayag ni Senador Alan Peter Cayetano, chairman ng nasabing komite na itutuloy na niya ang pagsalang kay Lacson.

Ayon kay Enrile, kumpiyansa siya na maipapaliwanag ni Lacson ng maayos ang kanyang panig sa ethics committee, lalo na ang usapin sa pag-abandona ng senador sa kanyang trabaho sa loob ng isang taon nang magtago sa matapos na madawit ang pangalan nito sa Dacer-Corbito double murder case.

“Well, I am sure that Senator Lacson can explain himself.” ani Enrile.

Kaugnay nito, hindi naman gaanong nagbigay ng komento si Lacson sa pagsalang sa kanya sa nasabing komite na nais ipursige ni Cayetano, na isang kilalang kaalyado ni Senador Manny Villar na minsan nang inimbestigahan ng mga senador sa kontrobersyal na C-5 Road project noong 14th Congress.

“I don’t know, it depends on my peers,” ang bitin na komento ni Lacson sa naturang isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply