Lacson pasok sa CA; De Lima pinupuntirya

HINDI na makakaligtas si Justice Secretary Laila De Lima sa panggigisa ni Sen. Panfilo Lacson sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) matapos ibigay ni Sen. Gregorio Honasan ang kanyang puwesto nito sa kapwa senador.

Ang pagbibigay-daan ni Honasan kay Lacson ay katuparan ng kasunduan ng dalawa umano na maghahati sila sa anim-na-taong termino bilang kasapi ng bicameral body.

Sa pag-upo ni Lacson sa CA, ipinasa din sa kanya ang chairmanship ng committee on agrarian reform at vice chairmanship ng committee on national defense.

Miyembro din ito ng 15 komite sa CA, kabilang na ang justice committee kung saan dumadaan ang nominasyon ng kalihim ng Department of Justice at mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Inamin ni Honasan na nakiusap sa kanya si Lacson para makaupo na sa CA.

“Ang sabi niya, may gusto siyang itanong sa mga nominees. Ok lang sa akin ‘yun kaya pumayag ako,” wika ni Honasan.

Hindi binanggit ni Lacson kay Honasan kung sino ang gigisahin ng una sa CA.

Matatandaang kahit noong nagtatago pa si Lacson ay si de Lima na ang binabatikos nito.

Nabatid pa kay Honasan na muli siyang uupo bilang miyembro ng CA sa Oktubre 2012 hanggang sa Hunyo 2013.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply