Lady Eagles vs Lady Falcons sa Best of 3 v-ball finals

MULING maghaharap ang Adamson Lady Falcons at ang Ateneo Lady Eagles sa Best-of-3 championship ng Shakey’s V-League sa Linggo sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Huling nagsagupa ang Lady Falcons at Lady Eagles sa titulo noong 2008 First Conference na kung saan nadagit ng San Marcelino-based tossers ang korona sa two-game sweep sa katulad na three-game series.

Nabuo ang return-title match ng dalawang koponan kasunod ng panalo ng Lady Eagles sa National University Lady Bulldogs na nabahiran ng protesta sa unang game na panalo ng team ni Coach Charo Soriano na iprinotesta ni NU mentor Francis Vicente dahil sa pagpapalaro bilang libero ni Bea Tan na isang regular team player na labag sa regulasyon ng liga.

Iwinasiwas ng Ateneo sa isang winner-take-all Game 3 ang Lady Bulldogs sa three straight sets, 25-21, 25-23, 25-20.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply