Lady Falcons at Lady Eagles palapit na sa Shakey’s Finals

NAMUMUO na ang sagupaan sa pagitan ng Adamson Lady Falcons at ng Ateneo de Manila University Lady Eagles sa finals ng Shakey’s V-League matapos na yanigin ng Adamson ang University of Saint La Salle-Bacolod sa three straight sets, habang pinapak ng Lady Eagles ang National University Lady Bulldogs sa apat na sets sa The Arena sa San Juan City.

Nagtuwang sina guest player Nerissa Bautista at Angela Bentin na tumotal ng 29 atake sa depensa ng USLS-B Volleybelles tungo sa pagtatala ng 25-19, 25-23, 25-22 panalo.

Nakaahon naman ang Lady Eagles sa talo sa unang set, 25-27 laban sa Lady Bulldogs bago sinundan ng 25-14, 25-10, 25-19 sa huling tatlong frames.

Labis ang katuwaan ni Adamson coach Dulce Pante sa ipinamalas na husay ng guest player na si Micmic Laborte sa depensa sa paggawa ng apat na mahahalagang blocks bukod sa three hits. Si Lady Eagle Alyssa Valdez ay bumanat ng 21 kills at tuluyang tumapos ng game-high 25 points output sa solidong opensa kasama ang 14 atake ni Fille Cainglip.

Sa net ang tie-defender na si Kesinee Lithawat ay bumara ng 14 para sa 18 puntos, habang sina Marie de Jesus, Gretchen Ho, Jaminea Ferrer at Aerieal Patnunggon at Beatriz Tan ay nagsama-sama sa 15 puntos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply