Lady Stingers pinatalsik ang Lady Tams

TULUYANG pinatalsik ng University of Saint La Salle-Bacolod ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa loob ng apat na sets, 19-25, 25-23, 25-17, 25-10 tungo sa pagwalis sa Group B sa pagtatapos ng quarterfinal round ng eighth Shakey’s V-Leage sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo ng Lady Stingers ay pahiwatig ng kahandaan ng Bacolod Collegieate Volleybelles sa Final 4 sa pagharap nila sa no. 2 team ng Group A sa crossover semifinals na Best-of-3 affairs.

Ang makahaharap ng USLS ay ang Adamson Lady Falcons na bumigo sa Lyceum Lady Pirates, 20-25, 25-15, 25-18, 25-18 tungo sa pagsungkit sa no. 2 spot sa Group A at sa huling semifinal slot.

Ang UST Lady Tiger na si Aiza Naizo ang makahahalili sa puwesto ni libero Rebbie Delontendo na nangangalap ng lalaro sa USLS junior team na lalahok sa Palarong Pambansa sa Zamboanga del Norte na magsisimula na sa Linggo.

Nagpahayag ng tiwala si Lady Stinger coach, Roger Banzuli na makapapasok sila sa finals. Babangga naman ang National University Lady Bulldogs kontra Group A top semifinalist Ateneo Lady Eagles sa Final 4 pairing bukas.

Tinanghal na no. 2 ang Lady Bulldogs kasunod ng pagpapatalsik sa Southwestern University Cobras (1-2) at Far Eastern Lady Tamaraws (0-3).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply