Lalaki namboso, kalaboso

REHAS na bakal ang kinasdlakan ng isang lalaki matapos bosohan ang dalagang kapitbahay habang naliligo sa loob ng kanilang palikuran Lunes ng hapon, Mayo 16, sa Navotas City.

Ang suspek na nakapiit sa detencion cell ng Navotas City police ay nakilalang si Jose Jintalan, alyas Ute, 32, residente ng R-10 Barangay NorthBay Boulevard North Navotas City at nahaharap sa kasong Unjust Vexation sa Malabon-Navotas Prosecutors Office.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Belany Dizon, may hawak ng kaso ng Womens Concerned and Protection Desk Navotas police, dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid, sa biktimang si Jopay (di-tunay na pangalan), 20, dalaga, ng NBBN, naliligo ito sa loob ng kanilang palikuran ng makarinig ito ng kaluskos. Dahil dito, inalam ng dalaga kung ano ang pinagmumulan ng ingay hanggang sa madiskubre nitong sinisilipan pala siya ni Jintalan.

Agad na iipinagbigay-alam ng biktima sa kanyang magulang ang ginawang paninilip ng suspek at nagtungo sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng kaso laban kay Jintalan na mabilis na nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply