Lalaki pinalakol ng seloso, dedo

SINAKSAK ng isang selosong lalaki ang pinaghihinalaang karelasyon ng asawa nito Huwebes ng gabi, Mayo 12 sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng saksak sa dibdib si Diardo Dela Cruz, 51, ng Fortune Drive St., Fortune 5, Parada ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Teodoro Tabalan, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-otso ng gabi nang makitang patay ang biktima sa isang eskinita sa nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ay nakuhanan ng Close Circuit Television (CCTV) si Tabalan na nagmamadaling papatakas sa lugar.

Nabatid na bago ang insidente, naglabas ng palakol ang suspek matapos maghinala na kalaguyo ni Dela Cruz ang asawa ni Tabalan na hindi na nakuha ang pangalan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply