Lalaki sinaksak dahil sa alak

DAHIL sa nasipa at tumapon na alak, nasa kritkal na kondisyon ngayon ang isang lalaki makaraang saksakin ng lasing na lalaki noong Sabado ng gabi sa Pasay City.

Kasong frustrated homicide ang isinampa laban sa suspek na si Robert Sta. Romana, 45, biyudo, residente ng 2507 Miranda Compond, M. dela Cruz St., ng nabanggit na lungsod makaraang madakip ng mga
rumespondeng pulis.

Ang biktima na kinilalang si Jaime Castro, 32, residente ng Block 11, Lot 47, RBS, Salitran II, Dasmariñas Cavite City ay nasa intensive care unit (ICU) bunga ng tama ng saksak sa kili-kili.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Nestor Rubel ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS) ang insidente ay naganap dakong 6:05 ng gabi sa 16 De Agosto St., M. dela Cruz St. habang ang biktima at kinakasama nitong si Ma. Andrea del Rio ay nakaupo sa waiting shed.

Dumating umano ang suspek at kinompronta ang biktima dahil nasipa at natapon ang alak na iniinom ng biktima habang nakikpag-inuman sa mga kabarkada.

Dahil hindi sinasadya ang pagkakasipa, iginiit ng suspek na bayaran ang natapon at nasipang alak na naging ugat ng kanilang mainitang pagtatalo.

Dahil lasing na ang suspek, iniwasan na ito ng biktima at habang naglalakad palayo sa lugar, hinabol ng suspek ang biktima at inundayan ng saksak na tumama sa kili-kili ng biktima.

Nagawa pang makatakbo ng biktima sa isang tindahan at isinugod ng kanyang mga kamag-anak sa Pasay City General Hospital para malapatan ng lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply