Lalaking naka-wheelchair, iniwang patay sa Malabon

INAALAM na ng mga pulis kung sino ang nag-iwan sa hindi pa nakikilalang lalaki na nakitang patay habang nakaupo sa wheelchair sa isang bakanteng lote sa Malabon City, Lunes ng hapon, Mayo 9.

Inilarawan ang biktima na may edad 30 hanggang 35, 5’4” ang taas, may stainless bracelet na may nakaukit na “Joy Love Jake,” naka-violet na jacket, itim na sombrero, naka-blue denim pants at may tattoo sa dibdib na puso na may pangalang Joy.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon nang makita ang biktima na nakaupo sa wheelchair sa isang bakanteng lote sa McArthur highway, Potrero ng isang Roderick Patawi.

Nang lapitan ay napansin ni Patawi na hindi na gumagalaw ang biktima na naging dahilan upang ipagbigay alam sa mga pulis.

Wala naman nakitang palatandaan na pinatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply