Landslide sa Batasan

GUMUHO ang lupa sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan kagabi dahil sa bagyong si Bebeng, madaling-araw ng Lunes, Mayo 9.

Nabatid kay Maria Binaobao, residente ng Batasan Hills, bandang madaling araw nang maganap ang pagguho ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay kaya mabilis ang kanilang ginawang paglikas.

Wala namang nasaktan sa pangyayari subalit nahintakutan na rin ang iba pang naninirahan sa nasabing lugar dahil pangalawang landslide na itong naitala sa kanilang barangay.

Pansamantala naming nanunuluyan ang pamilya Binaobao sa kanilang mga kaanak, habang puspusan naman ang pagsasaayos ng mga otoridad sa mga gumuhong lupa at bato upang huwag na itong makasagabal sa daloy ng trapiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply