Laruang ipagagamit sa kindergarten dapat ligtas

DAPAT tiyakin ng Department of Education (DepEd) na ligtas ang mga laruan na mula sa mga dinonate para sa mga kindergarten pupils, na papasok na sa kauna-unahang pagkakataon sa Hunyo, ayon sa isang environmental group.

Sinabi ni Anthony Dizon, coordinator ng  EcoWaste Coalition, dapat na siguraduhin na walang nakalalasong content ang mga laruan na ipamamahagi sa mga bata.

Matatandaang una nang ibinunyag ng EcoWaste Coalition noong Disyembre 2010 na anim sa pitong uri ng laruang plastic na nabili nila sa Divisoria na ipinasuri sa Thailand, ay may taglay na ‘phthalates,’ na isang toxic plastic additive na mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata.

“While commending Secretary Luistro for his good intentions, we find it necessary for DepEd to see to it that toys loaded with injurious substances are kept out of the gift-giving to welcome our pre-school learners,” ani Dizon.

Isinuhestiyon pa ni Dizon sa DepEd na magpalabas ng mga health-based criteria kung anong mga uri ng laruan ang dapat na i-donate at kanilang tatanggapin para sa mga kindergarten.

Iginiit ni Dizon na mas mapanganib sa mga bata ang mga nakalalasong kemikal kaysa sa matanda dahil mas mahina ang immune system.

Idinagdag din nito, madalas na isinusubo ng mga bata ang kanilang kamay at mga laruan kahit pa marumi ang mga ito.

Una na rito, hinikayat ng DepEd ang mga mamamayan na mag-donate ng mga libro, educational toys at school supplies para magamit ng mga mag-aaral sa pagpasok ng mga ito sa kindergarten.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply