Laylo nakopo ang solong liderato sa Tagaytay Zonal Chess

Individual standings after round 3:
3 points—GM Darwin Laylo (Philippines)
2.5 points—GM Mark Paragua (Philippines), IM Oliver Barbosa (Philippines), GM Cao Sang (Vietnam), GM Nguyen Anh Dung (Vietnam)

TINALO ni Grandmaster (GM) Darwin Laylo kontra si Vietnamese International Master (IM) Nguyen Van Huy para makopo ang solong liderato sa third round ng 2011 Asian Zone 3.3 chess championships sa Tagaytay International Convention Center nitong Miyerkoles.

Ang Marikina City native Laylo, ranked seventh dito na may ELO 2516, ay nagpamalas ng husay tangan ang white pieces tungo sa importanteng panalo kontra sa foreign counterpart sa tough, 48 player’s field nine-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa gaaby nina president/ chairman Prospero “Butch” Pichay Jr. at secretary-general Abraham “Bambol” Tolentino Jr.

Ang panalo ay naghatid kay Laylo sa 3 points, angat ng kalahating puntos kina compatriots GM Mark Paragua at IM Oliver Barbosa ng Philippines, GM Cao Sang at GM Nguyen Anh Dung ng Vietnam na may tig 2.5 points.

Sina Paragua at Barbosa ay nagkasunod sa tabla, giniba ni Cao si GM Cerdas Barus ng Indonesia habang dinaig naman ni Anh Dung si IM Oliver Dimakiling ng Philippines.
Sa fourth round, karibal ni Laylo si Cao, habang katapat naman ni Paragua si Anh Dung at kaduwelo ni Barbosa si GM Zhang Zhong ng Singapore.

Si Zhang ay may total 2 points at kasalo sa sixth hanggang 21st place kasama sina GMs Eugene Torre, Rogelio “Joey” Antonio Jr., at John Paul Gomez, IMs Rolando Nolte at Richard Bitoon at NMs Alcon John Datu at Mari Joseph Turqueza, ang newly-minted Philippines Juniors Boys Chess Champion.

Sa distaff side, tinalo ni WIM Irine Kharisma Sukandar ng Indonesia kontra si WIM Le Kieu Thien Kim ng Vietnam para makopo ang solo leadership board na may 3 points sa 3 rounds of play.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply