Laylo solo leader pa rin sa Asian Zonal

AYAW magpahabol ni Grandmaster Darwin Laylo kaya nakipaghatian na lamang siya ng puntos kay Asia’s first GM Eugene Torre upang manatiling nag-iisa sa tutktok ng liderato matapos ang round 6 ng 2011 Asian Zone 3.3 chess championships sa Tagaytay International Convention Center.

Hawak ni World Chess cup veteran Laylo ang itim na piyesa upang ilista ang 5.0 puntos at mapalakas ang tiyansang mapasama sa nakatayang dalawang slot para sa World Cup na gaganapin sa Khanty-Mansiysk, Russia sa taong ito.

“Sana maipagpatuloy natin ang magandang laro ko para makasama ulit ako sa World Cup.” wika ni Laylo na nakuha ang GM title noong 2007 sa Asian Individual Championships na ginanap sa Mandaue City.

Apat na woodpushers ang nasa likuran ni ranked six Laylo, (2516) na may 4.5 points ito’y sina Pinoy GMs Torre at Mark Paragua, IM Kevin Ming Goh ng Singapore at GM Susanto Megaranto ng Indonesia.

Giniba ni Paragua si third seeded GM Cao Sang ng Vietnam habang tinalo nina Susanto at Goh sina top seeded Zhong Zhang at Pinoy IM Richard Bitoon ayon sa pagkakasunod.

Susunod na makakalaban ni Laylo ay si No. 18 seeded Goh sa event na ipinatupad ang nine round swiss tournament kung saan ang National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) ang nag organisa.

Makakalaban naman ni Paragua si Megaranto sa round 7 habang kaharap ni Torre si Zhang.

May 4.0 points si Zhang kapareho ng puntos nina GMs Rogelio Antonio, Dao Thien Hai ng Vietnam at FM Jan Emmanuel Garcia. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply