Leila de Lima vs Totoy Diokno

KILALA si Sec. Leila de Lima sa matapang niyang pagpapahayag ng saloobin sa mga isyu na dumarating sa Department of Justice.

Kahit anong estado sa lipunan, basta may nagawang saliwa sa batas, asahan mong palaging may komento ang kalihim.

Kaya naman, malimit ay kinabubuwisitan siya ng mga taong nasasagasaan ng kanyang mga maiinit na pahayag.

Dahil sa  ugali niyang ito, hinahanap-hanap at hinahabol-habol siya ng mga mamamahayag para kunan ng pahayag at komento.

‘Di siya mahirap kunan ng pahayag. ‘Di nauubusan ng komento sa mga isyu na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang DOJ boss.

Ang pagiging ‘visible’ sa media at ‘di pagtanggi sa mga interview ang lalo pang nagpasikat
sa katauhan at rating ni Sec. De Lima.

Kaya naman palaging mataas ang rating sa SWS at Pulse Asia survey.

Ang walang kiri niyang pagharap sa media at sagutin ang mga tanong ay patunay lang na ginagawa ng kalihim ang kanyang trabaho.

Paano nga naman makakakuha ng rating ang iba pang opisyal ng Aquino administration eh ‘di man lang marinig ang kanilang boses sa radio at ‘di mabasa sa diyario ang kanilang mga pangalan.

Sa madali’t sabi, ‘di sila kilala nina Mang Juan at Aling Maria, kaya naman hindi nila babanggitin ang kanilang mga pangalan kapag may survey.

‘Di tulad ni Sec. De Lima, basta siya’y may katwiran, ‘di mapipigilang magpahayag ng saloobin kahit pa ukol kay Sen. Panfilo Lacson na isa ring palaban na opisyal ng pamahalaan.

Batid sa buong kapuluan na galit si Sec. Lacson kay De Lima dahil sa mga pahayag ng babaeng kalihim sa matapang na senador tungkol sa Dacer-Corbito case.

Kamakailan lamang, ay nagpahayag ng kanyang komento si Sec. De Lima sa pagkatakas ni Ex. Gov. Tony Leviste sa Bilibid.

Ang director ng Bureau of Correction – si ex-Manila police chief Totoy Diokno ay tinamaan sa mga pahayag ni De Lima.

Si Diokno ay isang presidential appointee at saradong bata ni Pangulong Noynoy Aquino, ngunit di natakot ang DOJ official.

Kaya lang, hinding-hindi raw matatanggal si Diokno. Yan ang abangan ng lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply