Leviste inaresto nang lumabas ng Bilibid

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Batangas Governor Antonio Leviste nang malamang nakalabas ito ng New Bilibid Prisons (NBP) nang walang pahintulot.

Si Leviste ay hinatulan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong sa kasong homicide noong Enero 14, 2009, nang mapatay ang kanyang long-time friend na si Rafael de las Alas.

Bago ang muling pagdampot kay Leviste, nakatanggap ang anchor ng ABS-CBN’s “XXX” na si Anthony Taberna ng mensahe hinggil sa pag-alis ng dating Batangas official sa kulungan at pagbibigay sa kanya ng VIP treatment.

Inaresto ng NBI si Leviste dakong 5 p.m. sa labas ng LPL building sa Makati. Ang pagsalakay ay binasbasan ni Justice Secretary Leila de Lima.

Kasama rin sa inaresto ang driver ni Leviste na si Nilo Solis.

Inihahanda na ang panibagong kaso na ikakasa kay Leviste maging sa BuCor at NBP officials na nagpalabas sa politiko nang walang pormal na pahintulot.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply