Leviste sinampahan ng panibagong kaso sa DOJ

SINAMPAHAN ng panibagong kaso ng National Bureau of Investgation (NBI) ang dating gobernador ng Batangas na si Jose Antonio Leviste sa Department of Justice (DOJ) dahil sa iligal na paglabas nito sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan ito nakakulong.

Kasong eviste evasion of service of sentence ang isinampa laban kay Leviste dahil sa libreng paglabas nito sa kanyang kulungan sa NBP.

Iniharap si Leviste sa tanggapan ng DOJ kaninang 11:30 ng umaga para sa inquest proceeding kay Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo.

Sa ginanap na press conference sa tanggapan ng NBI, sinabi ni NBI Spokesman Atty. Cecilio Zamora na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa libreng paglabas ni Leviste sa NBP. Aalamin din ng NBI-National Capital Region (NCR) kung posibleng nakalalabas rin ng libre ang ibang inmates sa bilangguan.

Posible ring makasuhan ang prison custodian ni Leviste dahil pinayagan nitong makalabas ng NBP ang dating gobernador at nang arestuhin ng ahente ng NBI ay wala itong kasamang jail guard at walang kahit na anong medical pass o kautusan mula sa korte.

“We still have to investigate the persons who should be held responsible for allowing Leviste to leave the prison without legitimate papers,” ayon pa kay Zamora at sinabing hindi pa nila na-establish ang mga pagkakakilanlan ng mga personnel ng NBP.

Ayon kay NBI Deputy Director for Intelligence Services Atty. Ruel Lasala, maaari lamang makalabas ng NBP ang isang bilanggo kapag ito ay may kautusan mula sa korte. Kung walang kautusan mula sa korte, ito ay iligal.

Dagdag pa nito, ang kanilang ebidensyang “medical privilege” ay hindi awtorisado dahil hindi naman makapagpakita ng dokumento si Leviste nang arestuhin ito upang mapatunayan na “legitimate” ang kanyang paglabas sa NBP.

“This (the arrest) is the best proof. We will investigate the BuCor personnel. He (Leviste) was given the privilege of being a live-out prisoner but only within the NBP compound,” ayon pa kay Lasala.

Si Leviste ay pinatawan ng anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo noong 2009 sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Rafael de las Alas noong 2007.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply