Leviste: ‘Labas-masok’ isyu pinalaki ng media

IPINAGTANGGOL ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste ang mga jail official kaugnay ng paglabas-masok nito sa New Bilibid Prison (NBP) nang walang kaukulang pahintulot sa mga awtoridad.

Sa pagharap nito sa imbestigasyon ng fact-finding panel na binuo ng Department of Justice (DOJ), iginiit ni Leviste na pinalaki lamang ng media ang kanyang kaso.

Iginiit din ni Leviste na hindi totoong pumuga siya sa NBP at pumuslit lamang siya.

Kung tutuusin, aniya, ay madaling gawin ang pagpuslit sa NBP dahil marami itong lagusan.

Nakuha niya aniya ang living-out status dahil bukod sa kanyang edad na 70 anyos, naisulong umano niya ang panukalang pagtatanim ng bilyong puno.

Pinabulaanan ni Leviste na may special treatment na ibinibigay sa kaniya ang mga guwardya at opisyal ng Bilibid.

“Wala pong pananagutan ang sinuman na ngayo’y isinasakdal. Alam ko mali ang aking ginawa. Walang may kinalaman sa aking ginawa. Nagkaroon po ako ng ilusyon na ako ay bahagi na ng BuCor (Bureau of Corrections) family,” ayon kay Leviste.

Binanggit pa ni Leviste na wala siyang balak umalis ng kulungan kung hindi lamang “emergency” ang kanyang sitwasyon.

“Nagdaaan po ako sa admin office (ngunit) wala po akong makitang tao. Nagtuloy na po ako. I have no permission. Wala po akong makausap, nakausap ko ang mga secretaries dito, pero wala ang mga tao na dapat kausapin,” aniya.

Una rito, isinailalim na sa three-month preventive suspension ang mga guwardya at ilang opisyal kaugnay sa kaso ni Leviste.

Kabilang sa pinatawan ng “suspension without pay” ay ang chief custodian na si Fortunato Husto, officer-in-charge Supt. Roberto Ramo, Chief Reserve Security Group Dante Cruz, Police Officer Wilson Marquez, at mga prison guards na sina Francisco Liwanag at Hilario Managitan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply