Libu-libo inilikas sa Albay dahil kay Chedeng

UMABOT na sa 13,322 pamilya o 63,964 katao ang nailikas ng pamahalaan ng lalawigan ng Albay bunsod ng bagyong Chedeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid na nais ni Gov. Joey Salceda na magkaroon ng zero casualty sa bagyong si Chedeng kung saan sisikapin ng kanyang tanggapan na mailikas ang 49,893 na pamilya na nakapaligid sa mga delikadong lugar.

Naglabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol ng halagang P6.75 million para sa mga relief goods sa mga apektadong mga lugar.

Samantala, suspendido na rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa lugar maliban sa mga tumutulong sa relief and rescue operation.

Libu-libo na rin ang stranded na mga pasahero sa mga RO-RO ports ng Bicol region at dahil dito nagpadala na rin ng cash assistance ang DSWD para sa pagkain ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply