‘Life’ sa No. 6 drug lord ng Baguio

HABAMBUHAY na pagkakakulong at pagmumulta ng P500,000 ang hatol ng korte sa No. 6 drug lord ng Baguio City.

Batay sa 14-na-pahinang desisyon ni Presiding Judge Edilberto T. Claravall ng Regional Trial Court (RTC) Branch 60, First Judicial Region in Baguio City na may petsang Marso 25, 2011, napatunayang nagkasala ang akusadong si Tracy Lac-amen y Norte, alyas “Bidong,” sa pagbebenta ng iligal na droga.

Napag-alamang si Lac-amen, 45, ng Itogon, Benguet, ay nakatala bilang pang-anim na top drug personalities sa Cordillera Region.

Limang sentensya na umano ang binuno na ni Lac-amen dahil din sa iligal na droga magmula noong Marso 1998.

Si Lac-amen ay nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera Administrative Region (CAR) sa isang buy-bust operation sa New Lucban, Baguio City noong  ika-5 ng Mayo 2009.

Nakuhanan ito ng apat na plastic sachets ng shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply