‘Life’ sa mamemeke ng building permit

GUSTO ng isang senador na makulong ng habambuhay ang sinumang opisyal ng pamahalaan na mag-iisyu ng peke o kuwestiyonableng building permit sa pagtatayo ng anumang istruktura sa buong bansa.

Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, kailangan nang patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang opisyal ng pamahalaan na masasangkot o kasangkot sa pag-iisyu ng pekeng building permit dahil nalalagay sa panganib at lubhang peligro ng mamamayan.

Aniya, lumilitaw na nagiging sanhi ng pagpapalabas ng pekeng building ng lokal na opisyal ang kawalan ng integridad sa ipinatatayong istruktura na tiyak na magdudulot nang mapanganib na epekto sakaling lumindol o anumang kalamidad.

Sa ilalim ng National Building Code, kailangan kumuha ang kontraktor ng building permit, certification o clearance mula sa government building official bago simula ang konstruksiyon ng anumang establisimyento.

Ngunit, ayon kay Escudero, may matitibay na ebidensiya na nagpapakita na halos lahat ng ating impraestruktura – residential house man o gusali – sa buong bansa na naitayo nang hindi sumusunod sa probisyon ng National Building Code dahil nagkalat ng kuwestiyonableng building permit.

“Our building code and its guidelines are at par with international standards. But sub-standard structures are sprouting anywhere in the country because building clearances or permits can be obtained for dime a dozen because of erring government building officials who give issuances without care for a fee,” paliwanag ni Escudero.

Layunin ng panukala ni Escudero na tuluyan nang tuldukan ang ganitong illegal na gawain sa pamamagitan ng pagtatakda ng mas mabigat na parusa sa sinumang building official na lalabag sa anumang probisyon ng building code.

Habambuhay na pagkakakulong, panghabambuhay na diskuwalipikadong maglingkod sa pamahalaan at pagbawi ng lisensiya ang parusang ipapataw sa sinumang opisyal ng pamahalaan na mag-iisyu ng peke o kuwestiyonableng building permit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply