Lifestyle check sa Customs collector hiniling

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Mindanao para sa “lifestyle check” ng isang opisyal ng Bureau of Customs na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Rep. Jose Benjamin Benaldo na kumakatawan sa unang distrito ng Cagayan de Oro City sa kanyang mga kasamahan sa House committee on customs, tariff at related taxes  na si district collector Lowell Medjia na nakadestino sa Mindanao International Container Terminal sa Cagayan de Oro ay maaaring namumuhay ng higit pa sa kanyang kinikita.

Ayon kay Rep. Benaldo, si Medjia ay nagmamay-ari ng ilang mamamahaling sasakyan, mga bahay, at mga lupain na lingid umano sa kaalaman ng mga pinuno sa BOC sa Maynila kaya’t kailangan umanong suriin ang mga ito ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na kumakatawan sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon para sa matuwid na daan sa pamahalaan.

Nagsalita na rin si Rep. Rufus Rodriguez na kinatawan ng ikalawang distrito ng Cagayan de Oro na kailangan  ng  suriin ng Bureau of Customs sa Maynila kung bakit napakadaling makapasok ang mga “smuggled” na mga imported na sasakyan sa mga pantalan ng lungsod at sa Misamis Oriental.

Ang isa pang opisyal ng BOC sa Cagayan de Oro na si atty. Noah Dimaporo ay inilagay na sa floating status ni Alvarez  matapos lumutang ang pangalan nito sa listahan ng mga ka-transaksyon ng pinaghihinalaang smuggler ng mga sasakyan na si Lynard Allan Bigcas na kasalukuyang nasa watch list ng Bureau of Immigration. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply