Lim namudmod ng grasya

NAGPAMAHAGI si Manila Mayor Alfredo Lim ng educational assistance at puhunan para sa mga pinakamahihirap na mamayan sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Lim,pinagkalooban niya ng tig P1,000 ang mga mahihirap na estudyante sa anim na distrito ng Maynila para merong mai pambili ng mga school supplies ang mga ito.

Habang P1,500 naman ang ipinagkaloob na puhunan ni Lim para sa kanyang livelihood program sa mga mahihirap na residente sa Maynila.

Ang pamamahagi  ng alkalde ay ginawa sa City College of Manila (CCM) Sabado ng umaga, Mayo 21.

Nabatid na taun-taon ay nagkakaloob ng educational assistance si Lim sa mga estudyanteng mahihirap para makatulong sa pambili nila ng gamit sa eskuwela. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply