Lining, Bustamante nanguna sa World Pool Ranking

NAKUHA nina Filipino cue masters Antonio “Nickoy” Lining at Francisco “Django” Bustamante ang top two spot ayon sa World Pool-Billiard Association (WPA) ranking list para sa buwan ng Mayo.

Ang Pinamalayan, Oriental Mindoro Lining, miyembro ng star-studded Jonathan Sy’s Negros Billiards Stable ay nakaipon ng 1725 points, sapat para kunin ang no.1 spot.

Si Lining ay nakakuha ng 640 points sa 2010 WPA World 9-Ball kasunod ng 300 points sa 2010 China Open, 270 points sa 2011 WPA World 8-ball, 325 points sa 2011 Philippine Open at 190 points sa katatapos na 2011 Beijing Open.

Ang Tarlac City ace Bustamante, isa sa prize fighter ni Aristeo “Putch” Puyat ng Puyat Sports ay nasubi ang no.2 spot na may 1432 points. Ang biggest 1000 points ay nakuha niya matapos magkampeon sa 2010 WPA World 9-Ball.

Nasa 3rd place ay si Chang Jun-lin ng Chinese-Taipei (1417), nasa 4th place si Dennis “Robocop” Orcullo ng Philippines (1410), at fifth place ay si Kuo Po-cheng ng Chinese-Taipei (1292.)

Kabilang sa nakapasok sa top 10 ay sina No. 6 Ronato “Volcano” Alcano ng Philippines (1158), No.7 Thorsten “The Hitman” Hohmann ng Germany (1085), No.8 Nick Van Den Berg ng Netherlands (1050), No.9 David Alcaide ng Spain (1048) at No.10 Darren Appleton ng Great Britain (982).

Ang iba pang Filipino na pasok naman sa top 20 ay sina No.14 Oliver Medenilla (950), No. 15 Lee Vann “The Slayer” Corteza (946) at No.18 Efren “Bata” Reyes (827).

Si Chen Siming ng China ang nanguna sa distaff side na may 1664 points. Ang pambato na si Rubilen “Bingkay” Amit ay nasa No.12 na may 1002 points.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply