Listahan ng PCSO millionaires club humahaba

MAGKASUNOD na dalawang miyembro ang napabilang sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Millionaires Club ng mahagip ng dalawang mapapalad na apisyonado ang bolahan noong Mayo 13 ng 6/42 regular lotto na may katapat na P28,773,365.40 premyo sa kumbinasyong 05-07-12-15-26-24 habang ang mga numerong 03-26-18-30-07-16 na may inisyal na P3,000,000.00 premyo ay hindi na nakaangat nang mahagip noong Huwebes ng gabi ng solong mananaya.

Samantala, ang kinagigiliwang Grand Lotto 6/55 ay muling nakaiwas ng walang makahula sa mga numerong 21-34-54-43-28-19 na may katumbas na grand prize na P249,671,970.00.

Bunga nito, tinatayang sisikat sa malaking P260,000,000.00 ang premyong pag-aagawan ng 6/55 lotto fanatics bukas ng gabi sa draw na gaganapin sa PCSO drawing office sa Philippine International Convention Center (PICC)  grounds sa Pasay City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply