Listahan ng tunay na magsasaka kinakalap na

SINUSIMULAN nang kalapin ng Department of Agriculture (DA) ang mga pangalan ng mga lehitimong magsasaka sa bansa upang ilagay sa isang database.

Ayon sa report, sinimulan na ang paglilista sa probinsya ng Quezon Province sa pamamagita ng pag-iinterbyu sa 40 bayan mula pa noong April 25.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ginagawa nila ito upang madaliang maipaabot ang tulong sa mga magsasakang tunay na nangangailangan.

Aniya, responsibilidad ng gobyernong ayudahan ang mga magsasaka dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa.

Kung patuloy umano silang malulugi at tatamaring magtanim ng mais at palay, posibleng dumating ang araw na wala nang magtatanim sa bansa.

Palagi umanong handa ang gobyerno para sa kanila ngunit madalas na mga mapagsamantala lamang ang nakikinabang sa kanilang tulong. Nenet L. Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply