Litrato ng nakapatay kay Simbulan, inilabas na

NAGLABAS na ang awtoridad ng larawan ng bus driver na pumatay sa journalist- professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan.

Daniel Espinosa

Daniel Espinosa, driver ng bus na nakapatay kay Lourdes "Chit" Estella-Sibulan.

Maliban sa larawan ng suspek na si Daniel Espinosa, drayber ng Universal Guiding Star bus line na may plakang (TXH-352), walang iba pang detalye ang nakuha rito.

Bukod pa rito, umapela na rin si Quezon City Mayor Herbert Bautista at si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sa pamilya ni Espinosa at sa mga kaibigan nito na magbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito.

Tiniyak naman ni Bautista at Tolentino na walang mangyayaring masama kung sakaling susuko sa awtoridad ang suspek na pinaniniwalaang nagtatago sa Taytay, Rizal.

Naglaan na rin ang MMDA ng P100,000 pabuya para sa anumang impormasyong maghahatid para mahuli si Espinosa, na sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Kaugnay nito, hina-hunting na rin ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa pang bus driver na nagmamaneho ng Nova Bus Lines, na sinasabing naunang bumangga sa Abu Abbey taxi (THX-432) na sinasakyan ni Simbulan bago pa ito nasalpok ng bus na minamaneho naman ni Espinosa.

Noong nakaraang Biyernes ay hindi na umabot ng buhay sa General Malvar Hospital ang biktimang si Simbulan.

Sinuspinde naman agad ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Universal Guiding Star Bus Line. pero binalewala ito dahil, ayon sa may-ari nito,  hindi pa nila natatanggap ang sulat na mula sa LTFRB.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply