Lola tinaga, saka pinisak ng may sayad

PATAY ang isang septuagenarian na lola matapos tagain sa likod ng isang may sakit sa pag-iisip saka pinisak pa gamit ang malaking tipak ng bato bago sumuko sa pulisya  sa Pasuquin, Ilocos Norte, iniulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Bernardina Labuguen, 78, balo at residente ng Brgy. Salpad, Pasuquin.

Ayon sa PNP, nakatalikod ang biktima nang lapitan tinaga ng suspek na si Jayson Vidad, 26, residente rin ng naturang lugar.

Lumalabas na matapos tagain sa likod ay binagsakan pa ng malaking tipak ng  bato ang biktima matapos humandusay.

Matapos ang insidente, parang walang anumang umalis ang suspek at sumuko sa pulis na anak mismo ng biktima.

Si Labuguen ang ikatlo na umanong biktima ng pananakit ni Vidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply