Lola tinagpas ang ulo sa supermarket

ISANG lola ang pinugutan ng ulo sa loob ng supermarket sa bansang Espanya.

Nabatid na ang biktima ay si Jennifer Mills-Westley, isang Briton, retired county council worker sa Northfolk, eastern England.

Ayon sa ulat, namimili sa isang shopping center sa bayan ng Arona sa Tenerife sa Spain si Westley nang pumasok ang salarin , kumuha ng kutsilyo at walang habas na pinugutan ng ulo ang lola.

Kaagad naman tumakbo palabas ang suspek bitbit ang ulo ng biktima at hinabol ito ng mga guwardiya ng nasabing shopping center.

Nahuli ang salarin at ibinigay ito sa mga pulis. Kinilala ang suspek na isang Bulgarian at kilala umano sa lugar.

Samantala kinumpirma ng British Foreign Office sa Spain ang pagkakapatay ng isa briton sa lugar at sinabing patuloy umano nakikipag-ugnayan ang pulisya ng Espanya sa kanilang tanggapan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply