Lolo binasag ang ulo, saka isinako sa Malabon

BASAG ang ulo ng isang lolo na caretaker nang matagpuan ang kanyang bangkay na nakasako sa loob ng isang pabrika sa  Malabon City.

Ang biktima ay kinilalang Anthony Co, 65, stay-in sa Polyman Manufacturing Corporation, sa M. Santos St. , Barangay  Santulan, nabanggit na lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr.Supt. Cornelio Barrios, hepe ng Malabon police ang kanyang tauhan na magsagawa ng follow-up operation laban sa hindi pa nakikilalang suspek at motibo sa pagpatay sa matanda.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:30 ng umaga kanina nang makitang nakasako ang biktima sa loob ng nasabing pabrika ng maintenance na si Ceferino Francisco,  dahilan upang itawag sa pulis ang insidente.

Nabatid na huling nakitang buhay si Co dakong alas-10 ng gabi kahapon na papasok sa pabrika at may kasamang hindi kilalang babae.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply