Lolo binoga sa loob ng bahay

TIGOK ang isang lolo matapos barilin ng isa sa tatlong lalaki na ka-jamming nito sa shabu sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City Biyernes ng hapon, Mayo 13.

Dead on the spot ito sanhi ng tama ng bala sa ulo si Sabu Rosal, 52.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang alyas Francis at dalawang hindi pa kilalang kasama nito.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ng pumasok ang mga suspek sa loob ng bahay at makalipas ang ilang sandali ay narinig na lamang na nagsisigawan ang mga ito.

Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga kapitabahay bago nakitang papalabas ang mga suspek at nagmamadaling tumakas.

Nang pasukin ang biktima ay nakitang nakadapa na at may tama ng bala sa ulo na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Ilang drug paraphernalia ang nakita sa loob ng bahay na sinasabing ginamit sa pot-session. Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply