Lolo inatake habang nakikipagtalik sa motel

RIZAL— Hubo’t hubad at wala nang buhay nang madiskubre ng mga kawani ng motel ang 59-anyos na lolo sa loob ng kuwartong inupahan kasama ang isang babae sa bayan ng Taytay, iniulat kanina.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng ID nito na si Luisito Aniciete, ng Macabebe, Pampanga.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa isang kuwarto sa Insider’s View Hotel na matatagpuan sa National Road, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.

Sa ulat, dakong 12:45 ng tanghali kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng roomboy na si Arvin Mailepre, 22, makaraang katukin ang kuwarto ng biktima dahil tapos na ang kanilang oras.

Nauna rito, nabatid na nag-check-in ang biktima sa nasabing motel kasama ang hindi pa nakikilalang babae tatlong oras bago madiskubre ang kanyang bangkay.

Hinala ng pulisya na inatake sa puso ang matanda habang nasa kasarapan ng pakikipagtalik sa inupahang babae at basta na lamang iniwan ng huli sa takot na madamay sa insidente.

Ang bangkay ay sumasailalim sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) para mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang babaeng huling kasama ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply