Lolo nangluray ng 13-anyos, kalaboso

RIZAL— Kalaboso ang 62-anyos na lolo matapos na ireklamo ng 13-anyos na dalagitang kalugar na kanyang pinagsamantalahan kagabi, Mayo 24, sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay chief of Police P/C.Insp. Rizaldy Aquino ang suspek na si Sofronio Mina, biyudo, residente ng Rodriguez ext., Barangay Kat Bayani, ng nasabing bayan.

Ang suspek ay inireklamo ni Osang (di tunay na pangalan), nasa unang baitang sa high school at residente rin nang nasabing lugar.

Sa ulat,  kinaibigan muna ng suspek ang dalagita at nang makuha na ang kalooban nito ay niyaya ito na mag-oral sex kapalit ang P100.

Dahil sa hindi naunawaan ng biktima kung ano ang ibig sabihin ng oral sex ay naengganyo pa ring sumama ito sa suspek.

Nang isagawa na ang maitim na balak ng matanda ay nagpumiglas ang biktima subalit hindi na ito nakawala sa pagkakayakap ng suspek.

Sa salaysay pa ng biktima, maliban sa oral sex ay sapilitan ding ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa kaselanan ng biktima sa kabila nang pagtanggi niya dahil masakit.

Sa pagsisiyasat ng pulisya lumilitaw na hindi lamang si Osang ang naging biktima ng suspek sa kanilang lugar at mayroon pang tatlong dalagita na minabuting manahimik dahil sa takot dahil pinagbantaan umano sila ng suspek na papatayin kasama ang kanilang pamilya.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape at pansamantalang nakapiit sa lock-up jail ng Tanay Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply