Loterya ng Bayan sisimulan sa Hulyo

BILANG na ang araw ng STL (small town lottery) sa pagpasok ng Loterya ng Bayan  na papalit dito dahil nagagamit umano bilang front ang una ng mga operators ng iligal na jueteng.

May namumuo namang hidwaan sa pagsisimula ng Loterya at ito ay kung dadaan pa sa konseho ng mga local government units ang pag-ooperate nito.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo,ang mga lokal na pamahalaan ng mga lalawigan at siyudad ang may karapatan kung papayagan ang Loterya na mag-operate sa kanilang mga lugar.

Iba naman ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na siyang nag-apruba ng implementing rules and regulations ng Loterya na hindi na kailangan ang mga lokal o ordinansa ng lalawigan o resolusyon bago makapag-operate ang Loterya.

Isinilang ang Loterya ng Bayan ng labanan ng PCSO ang konsepto na ilipat ang pangangasiwa ng STL sa mga lokal na pamahalaan.

Ang PCSO ang nag-iisang ahensya ng pamahalaan na may mandato na patakbuhin ang mga palarong pambayan para sa mga programang pangkalinga.

Sa Hulyo na nakatakdang ilunsad ang Loterya at kung magiging tagumpay ang makikinabang ay ang mga LGU at Philippine National Police na may 12.50 porsyentong bahagi sa kita, 3.99 sa nagbebenta at 8.50 naman sa PCSO charity fund.

Ilalabas na din ang listahan ng mga kumpanya at ahente na magpapatakbo ng Loterya sa loob ng 70 araw ayon kay Margarita Juico, chairwoman ng PCSO,  na siyang nag-anunsyo noong Enero pa ng planong pagpapalit ng Loterya sa STL.

“Ang tunay na laban ng Loterya ng Bayan project ay ang hindi ito magamit ng jueteng bilang front tulad ng nangyari sa STL noon,” ayon kay.Robredo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply