Lotto outlet hinoldap ng apat na bagets

NAGSASAGAWA na ngayon ng manhunt operation ang mga tauhan Parañaque City police laban sa apat na hinihinalang armadong bagets na nangholdap sa isang lotto outlet Sabado ng gabi, Mayo 14.

Tinatayang P41,000 ang natangay sa lotto outlet na nasa No. 585 Ma. Soccora, San Antonio Avenue, Phil Aisa Homes San Antonio Valley 1, Barangay San Antonio ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ni P/Senior Superintendent Nestor Pastoral, hepe ng Parañaque police, abala ang may-ari ng lotto oultet na si Consolita Totanes, 58, residente ng Guadalupe Mansion, Brgy. Cembo, Makati City  at ang dalawang operator na sina Myla Rose Totanes, 32, at Niño Totanes, 21, sa pag-aasikaso sa deadline ng mga tumatayang customer sa loob ng booth dakong 8:15 ng gabi.

Habang nagwawalis sa labas ng outlet si Niño nang dumating ang apat na lalaki na nagpanggap na mananaya.

Dahil akalang mananaya ang mga ito, pumasok si Niño sa loob ng lotto outlet ngunit bago pa man siya makapasok ay tinutukan na siya ng baril ng isa habang naghihintay sa isang motorsiklo di kalayuan ang talong kasama nito.

Dito na sila binantaang babarilin kaya natangay ng mga ito ang salaping kinita ng may-ari.

Agad na tumakas ang mga salarin sa di nabatid na direksyon pagkatapos ng panghoholdap.

Batay sa diskripsiyon, ang mga holdaper ay tinatayang nasa pagitan ng 17-19 anyos na sinasabing nagmamanman na sa nasabing lotto outlet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply