Louise Delos Reyes tsinibog ang pizza na di sa kanya

PINAG-UUSAPAN ng ilan yung di umano’y pagtatakaw nina Louise Delos Reyes at ng nanay niya sa isang casual na meeting sa showbiz. May isang kasamahan daw kasi silang bumili ng isang box ng pizza at inalok silang mag-ina na makitikim.

Okey naman daw na parehong kumuha ng tig-isang slice ang mag-ina. Akala ng mga naroon, yun ay out of courtesy lang para di naman sila magmukhang suplada. Kumbaga, pakikisama lang. Pero pinagbulungan na sila nang pareho silang pabalik-balik sa table para kumuha pa.

Si Louise daw ay umabot ng limang slices ang nakuha na tila halos wala nang natira sa taong bumili ng pizza.

“Ano ba yan, sobrang gutom hindi yata nagluluto sa bahay. Sobrang takaw nila,” sabi pa raw ng isang naroon.
Hahaha!

Baka naman kasi nagkataon lang na gutom na ang mag-ina kaya sinamantala na lang ang pagkakataon na makikuha ng pizza kahit di naman yun sa kanila.

Next time lang siguro, kung gutom sila, kumain sila sa labas at huwag iasa sa ganoong maraming tao na nagmumukha silang busabos sa katakawan. Maski paano naman, may pera na siguro sila para maka-afford na gumastos ng sarili nilang pagkain.

And speaking of Louise Delos Reyes, actually, bilib sa kanila ang management ng Urban Behavior sampu ng kanilang marketing staff. Si Louise kasi at ang ka-loveteam na si Alden Richard  ang mga model ng Urban Behavior at ayon sa kanila, biglang tumaas ang benta nila. Malaki raw pala’ng following ng dalawa kaya naibebenta ang mga produkto nila.

Pero sa true lang, yung mismong mga produkto kasing nabibili sa Urban Behavior outlets ay wise buy kaya talagang mabili sa masa. Sobrang mura ng kanilang gimik outfits kaya dagsa ang mga mamimili na pumunta sa kanilang stores sa Avenida.  Yes, tanging sa Avenida lang ang dalawang outlet ng Urban Behavior kaya kayo, go na and try ninyo kung gaano kaganda pero mura ang gimik outfits ng Urban Behavior.

***

Sikat na bagets in demand ang tarugs sa mga vaklushi!

NADULAS ang dila ng isang bading nang makabasa ng ilang blind items tungkol sa mga guwapong artsitang sideline ang pagko-callboy. Lumabas na suki pala siya ng isang sumikat na male starlet na galing sa isang pakontes. Clean-imaged ang matangkad na bagets pero may pinakatagu-tago pala siyang lihim.  Callboy pala siya kahit na noong panahong artista na siya at mismong ang nakausap naming mall exec ang nagkuwentong lagi niyang pinupuntahan sa apartment na inuupahan noon ang naturang bagets.

“We became friends, nagkikita kami mismo sa bahay niya,” impormasyon pa ng kausap namin.

Clue? Sa ngayon out sa sirkulasyon ang bagets dahil natabunan ng maraming winners ng pakontes ng isang TV network. But there was a time na talaga namang tinitilian siya ng mga baklita’t malanding fans.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply