Lovi Poe…aning at cheap!

NOONG buhay pa ang King of action movie na si Fernando Poe Jr., tahimik at normal lang ang buhay nitong si Lovi Poe. Pero magmula ng mamayapa si FPJ ay nagwala na ito, hindi lang sa pakikipagrelasyon sa iba’t ibang mga lalaki kundi pati sa kanyang showbiz career. Naturingan ba naman  kasing wholesome star pero kung mag-pose sa billboard ay kinabog pa ang mga hubadera sa pelikula?.

Look nyo ‘yung Bench billboard nila ni Jake Cuenca sa may bandang Balintawak sa Kyusi kung saan halos nakadikit na sa kanyang ang notes ni Jake na naka-underwear.

Pagkatapos nag-pose pa ito sa pictrorial ng Bench kung saan nakita sa Internet ang matambok nitong pagkababae.

Sa nakaraang fashion week naman ng Bench, wala naman daw itong suot na panty noong rumampa sa entablado.

Ano ba kasi ang gustong tahakin ng young singer-actress na ito sa kanyang career? Bakit di na lang siya mag-bold nang kumita pa siya nang husto?

Di na nga kami nagtataka ngayon kung bakit imbiyerna ang half sister nito na si MTRCB Chairman Mary Grace Poe Llamanzares dahil sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga kahalayang pinaggagagawa ng Lovi na ito? Mabuti na lang at maaga niyang nakuha ang kanyang mana mula sa amang si FPJ,  kung hindi, baka na-freeze ito dahil sa kanyang mga kagagahan.

***

Star ni Bela!

MASAYANG ibinalita kamakailan ni Ms. Claire dela Fuente na at this point ay nakipagco-manage na si Boss Vic del Rosario sa kanya para sa alagang si Bela Padilla na pamangkin ng sikat na action star na si Robin Padilla.

Dagdag pa ng mahusay na singer, ngayon pa lang ay inihahanda na raw ng Viva ang big project nila for Bela at tulad ng isa pa nitong alaga na si Sam Pinto ay isasalang rin ito ni Boss Vic sa mga TV commercials.

Sa totoo, si Boss Vic ang dahilan kung bakit maraming tvc sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Sam Pinto. Naniniwala kasi ang Big Boss ng Viva na malayo ang mararating ng new talent nilang ito lalo pa’t sexy ito, maganda at mahusay pang umarte.

Abangan nyo raw pala ang malalaking billboard ni Bela para sa produktong ini-endorso nila ni Aubrey Miles na Sexy Solution ni Dra. Vicki Belo.

***

‘Asap Rocks’ magbibigay-pugay kay Coco Martin

MAGBIBIGAY-PUGAY ang mga ASAP Kapamilya stars ngayong Linggo sa isa sa pinakamahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon, si Coco Martin. Isang extra special celebration ang ilalaan sa URIAN Actor of the Decade awardee at GMMFI’s Prince of Philippine Movies sa ASAP Rocks.

Exhilarating concert experience at hindi mapantayang production numbers ang  hatid nina Mr. Pure Energy- Gary Valenciano, Concert King – Martin Nievera, Divine  Diva- Zsazsa Padilla, Pop Star Princess- Sarah Geronimo, World Champion- Jed Madela, Prince of Pop- Erik Santos, Star Power Grand Winner- Angeline Quinto, Pinoy Dream Academy Grand Winner- Yeng Constantino, Pilipinas Got Talent Grand Winner- Jovit Baldivino, ASAP Sessionistas at Acoustic Republic.

Back to back album launch din ito ng Pinoy Korean Star na si Ryan Bang, Martin Nievera at ang bagong favorite na Pinoy Group na Maldita.

Meron ding extreme supahdancing kasama ang Television Drama Royalty na si Bea Alonzo, Gerald Anderson, Maja Salvador, Cristine Reyes, Iya Villiania, ASAP Supahdance Crew,  Dance Quad, G Force, Supahdance Off finalists at ang Phenomenal Comedy Star na si Vice Ganda. Experience ASAP Rocks ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply