Lovi Poe daig pa ang pokpok sa kanyang mga pelikula!

MARAMI ang nakapapansing sobrang daring ngayon si Lovi Poe. Can you imagine na undies lang ang suot niya sa isang fashion show kamakailan. No one would imagine that Lovi can do such a sexy thing.  “Hindi siya yun, di kaya sinasapian na siya,” aliw na komento pa ng isang malapit sa kanya.

Sa “Temptation Island” naman, meron siyang matinding kissing scene kay Aljur Abrenica. Kumbaga, siya pa ang nag-seduce kay Aljur na gumaganap na virgin sa istorya.

Sa isang pelikulang gagawin niya sa Regal, mga matinding bed scenes naman ang gagawin nila nina Jake Cuenca at Dennis Trillo.

Kilalang parehong makatotohanan sa sex scenes ang dalawang aktor na puwedeng lumampas sa dapat gawin dahil nga baka di makapagpigil ang mga ito sa alindog ni Lovi .

“After I won best actress awards for ‘Sagrada Familia’ and ‘Mayohan,” I feel okay naman to play more mature roles as I’m not a teenybopper anymore. I have to grow as an actress.

“As for the Bench fashion show, it’s only when I got there that I found out what I’d wear and, considering how good Bench Body is to me, okay lang yun.”

Kailan lang, mismong ang biyenang hilaw na si Chavit Singson ang nagbuking na very much on pa raw sina Lovi at ang anak nitong nakakulong sa Hong Kong na si Ronald Singson. Hinalakhakan lang ni Lovi ang tsikang ‘yun nang makorner at di na nakantanggi.

“Naku, whatever’s going on in my private life, I’d rather keep it private. All I can say is mas masaya ang kinalalabasan ng buhay ko pag wala akong lovelife.”

Oo nga naman, may katuwiran talaga si Lovi Poe. Sa panahong nasa kulungan ang lover niya, mas malaya siya ngayon dahil nga wala naman siyang lovelife. Oo nga’t may BF siya pero nasa loob nga kaya lahat ng time ni Lovi, devoted sa kanyang trabaho.

As a result, puno ang sked ng alaga ni Leo Dominguez. Lovi as we all know is also nominated sa Best Actress category sa 27th Star Awards for Movies dahil sa role niya sa indie movie na Mayohan.

Tinatapos pa lang niya ang Tempataion Island, nakahanda na’ng dalawang pelikula niya sa Regal Films. Parehong sexy ang role niya rito. She’ll also do the remake of Disgrasyada that launched Rio Locsin to stardom in 1979 .

Sa TV, busy siya as Althea in Captain Barbell. “I’m really thankful to the Lord for all the blessings coming my way,” she says.

“Kahit pagod ako, masaya pa rin as my roles are all good and challenging. I love my role in Temptation Island as the rich beauty queen who’s a brat at kaaway ng lahat. Pero on cam lang yun kasi, off cam, maganda ang samahan namin nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heussaff and Rufa Mae Quinto. Walang patalbugan. But enjoy talaga ako sa role as it brings out the inner bitch so it’s fun. I’m so maarte I even bring my own yaya in the desert island, si Rufa Mae nga.”

So there!

***

ANO ang puwedeng gawin ni Angelica Panganiban kung sakaling totoong masungkit na ng ibang babae si Derek Ramsay?

Dami nang hindi natutuwa kay Angelica Panganiban sa mga pahayag niya tungkol sa mga di umano’y gustong umagaw sa kanya sa dyowang si Derek Ramsay. One even went as far na saying sobrang yabang na raw ni Angelica na akala mo talaga, siya na’ng pinakamaganda sa mundo na kahit anong gawin ng ibang babae, di nila maaagaw sa kanya si Derek. Yung iba naman nagsabing sobrang insecure na raw ni Angelica at yun ay sa pagpapakita ng kahinaan pagdating sa kanyang sikolohiya. Kumbaga, tila hindi nga makayanan ni Angelica na mawala sa kanyang piling si Derek Ramsay.

Isa sa mga sampol na pahayag ni Angelica ay yung pahayag niya na ikinagulantang daw ni Erich Gonzales. Kahit wala siyang tinutukoy na pangalan, malinaw na si Erich nga’ng pinatutungkulan nito.

Natural, may mga taong kampi kay Erich na kahit paano, ipagtatanggol naman ito. Besides, may image na flirt si Erich, kaya nga siya na single out ni Angelica sa isyung inaagawan ito ng boyfriend.

“Ang hirap talagang maging maganda at saka maging sobrang hot kasi nga talagang gusto nila agawin lahat ang nasa iyo. Ang yummy pa ng boyfriend ko ‘di ba, packaged deal, lahat na nasa kanya. So gano’n talaga. Minsan may gustong mang-agaw sa boyfriend mo,”

So far, di lang naman si Erich ang na-link kay Derek, marami pa. Di na mabilang.  Kami, naniniwalang hindi naman nag-iimbento lang ang ilang tao na nagsasalita.  Mukha ngang matakaw naman sa babae si Derek na kahit poste, basta’t  lagyan mo ng palda ay papatulan.

Ilang pangalan na ba’ng lumitaw, kahit ba isa riyan walang totoo? Na talagang object lang ng kontrobersya si Derek na iniimbentuhan ng mga ganoong kabalbalan?

Hello!

O baka naman kapit-tuko lang talaga si Angelica sa present boyfriend, kasi naranasan na niya ang iba pang nang-iwan sa kanya sa ere. Na sa ngayon, talagang nirerendahan na niya si Derek para di na maagaw pa sa kanya. Isa pa, di kaya alam ni Angelica’ng sakit ng mga babaing malandi dahil at one point, dumaan din siya pagiging flirt? Huwag i-deny, ganyan naman talaga’ng karamihan sa mga babae, nagpi-flirt sa mga guwapong lalaki kahit may asawa na.

Di ba, Joesph Bitangcol?

Kumbaga, fear of the unknown yun na sa sobrang pagmamahal nga ni Angelica kay Derek, parang di niya matanggap ito kaya nagyayabang na siya to the point na pinalabas na niyang siya ang pinaka-hot, siya ang pinakamaganda na hindi na talaga puwedeng ipagpalit ni Derek sa iba.

Ilusyunada, kumbaga.

Paano naman kaya kung tuluyang iiwan ni Derek si Angelica, di kaya mabaliw na ito? Hahaha!

Nagtatanong lang?

Noong araw, halos magpatayan na sila ng isa pang artista dahil lang sa lalaki. This time siguro, kung may mas grabe pa sa pakikipagpatayan, gagawin yan ni Angelica.

Pero atat ba sa kanya si Derek o baka naman pinagpapasasaan lang siya nito? For so long, di pa naisip na pakasalan ni Derek si Angelica who’s patiently waiting. Nakapagtatakang everytime na tinatanong si Derek, buong seryosong sinasabi nitong di pa siya ready.

Since nasa topic na nga tayo ng kasalan, can we expect wedding bells to ring this year for him and Angelica Panganiban.

After all, almost five years na pala ang relasyon nilang dalawa.

But did you know na matagal pa raw at imposibeng this year na ito maganap?  Una, ayaw daw niyang ‘makisukob’ sa taon sa kapatid niyang babae who is getting married June 8.

Pangalawa, kapuwa ‘puno’ ang schedule nila ni Angelica this year.

Sa dalawang nagmahalan, isyu pa ba’ng tight sked para magpakasal?

Hindi kaya talagang ayaw lang ni Derek na pakasalan si Angelica Panganiban?

***

Heart insecure?

HEART Evangelista have three entities that  manage her career now.

After her controversial separation from former manager Annabelle Rama, seems like the actress now wants so much assurance for having different managers who run her career. She has a television contract with GMA 7, her movies with Regal Entertainment and her commercial endorsements by Viva Artist Agency.

There’s a saying people should have a sense of gratitude to people who have helped them and this is the same with actors who are guided and helped by their managers.

Heart too should have gotten that attitude as well.

There’s also a saying that you cannot serve two masters at the same time, but with Heart, she has three.

Is that a sign of insecurity? Just asking.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply