LPA nagbabanta sa Samar, Bicol

ISA na namang low pressure area ang namataan ng PAGASA ngayon sa Pacific Ocean.

Nabatid sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), huling natukoy ng bagong weather system ang LPA sa mahigit 1,000 kilometro sa silangan ng hilagang Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 30 kilometro kada oras at may 50 porsyento upang maging bagong bagyo.

Ayon pa sa pagtataya ng JTWC, papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing weather disturbance formation sa darating na weekend at inaasahang mananalasa ito sa Samar at Bicol area sa susunod na linggo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply