LPA nakapasok ng Pilipinas

AYON sa  Joint Typhoon Warning Center ng Estados Unidos, nakapasok na ang low pressure area (LPA) sa bansa kaya asahan na ang mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw na posibleng magdulot ng baha at landslide.

Sa ulat ng nasabing ahensya ng Amerika, huling namataan ang LPA sa layong 855 kilometro sa silangan timog-silangan ng Surigao City.

Ang nasabing sama ng panahon ay may taglay na malakas ng hangin na umaabot sa 30 kilometro bawat oras malapit sa gitna. Ito ay may malaking posibilidad na maging bagyo.

Inamin naman ng Philippine  Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na may pumasok na sama ng panahon sa Philippine area of responsibility ngunit ito ay pormal na iaanunsyo mamaya bilang low pressure area.

Samantala, maaliwalas naman ang magiging lagay ng panahon sa Northen Luzon at inaasahan ang mainit na temperatura ngunit asahan pa rin ang pagkakaroon maulap na kalangitan sa Metro Manila at Timog Luzon. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply