LPA namataan sa silangan ng Davao City

MAS lumapit na sa kalupaan ng Mindanao ang low pressure area (LPA) na huling namataan sa 700 kilometro ng silangan ng Davao City, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Dahil dito, patuloy na nagbababala ang Pagasa sa mga pag-ulan sa Mindanao at Visayas na maaaring magresulta sa pagbaha at landslide.

Ang nasabing LPA ay nakapaloob sa InterTropical Convergence Zone (ITCZ) kaya nagiging madalas ang mga pag-ulan sa mga bahagi ng Mindanao at Visayas, maging sa Timog Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply