LPA papawi sa mainit na temperatura ng bansa

MAKATUTULONG ang umiiral na low pressure area (LPA) na nasa eastern section ng Pilipinas dahil tiyak na mababawasan ang mainit na temperatura sa maraming lugar ng bansa, ayon kay Gener Quitlong ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Huwebes ng umaga.

Aniya, dahil sa LPA bahagyang mamapawi ang sobrang init na nararanasan sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 360 kilometro sa silangan ng Surigao City at patungo sa direksyon ng Visayas region.

Ang nabanggit na weather system ay nakapaloob ngayon sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao, ngunit maliit ang posibilidad nang paglakas bilang bagong bagyo.

Maglalaro naman ang temperatura sa 26 hanggang 37 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply