LPA potensiyal na bagyo, binabantayan ng Pagasa

TODO-BANTAY ngayon sa state weather forecasters ang isang bagong cyclone na maaring pumasok sa teritoryo ng Pilipinas bago pa dumating ang Huwebes.

Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) forecaster na si Jori Loiz na sa kasalukuyan ay isa pa lamang low-pressure area (LPA) ang na-detect.

“Meron kaming binabantayan ngayon at inaasahan naming papasok ito by Huwebes. Hindi pa ito bagyo, LPA pa (lamang). Tinitingnan natin ang posibilidad maging bagyo,” pahayag ni Loiz.

Kung ito man ay maging ganap na isang cyclone at pumasok sa teritoryo ng bansa, tatawagin itong “Chedeng”, ang pangatlong cyclone na pumasok sa bansa ngayong taon.

Samantala, sinabi ng Pagasa na ang bagyong Bebeng (Aere) ay patuloy na gumagalaw kahapon patungong Southern Japan.

Sa advisory kaninang alas-onse ng umaga, sinabi ng Pagasa na si Bebeng ay nasa layong 50 km silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-diyes na may taglay na hanging lakas na aabot sa 65 kph malapit sa sentro at pagbugso ng sungit ng panahon na hanggang 80 kph.

Sinabi rin ng Pagasa na ang bagyong Bebeng ay kumikilos papuntang hilaga sa bilis na 19 kph at inaasahan itong nasa 400 km north-northeast ng Basco, Batanes sa Miyerkules ng umaga.

Huwebes ng umaga naman ay inaasahan ito sa layong 810 km north-northeast ng Basco, Batanes o 90 km northwest ng Okinawa, Japan.

Ang Batanes na lamang ang nananatiling nasa ilalim ng Storm Signal No. 1.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply